Ngayon, nang marinig ni haring Noe ang mga salitang sinabi ni Abinadi sa mga tao, [i]2768[/i] na napoot din siya; at sinabi niya: [i]1449[/i]
Sino si Abinadi, na ako at ang aking mga tao ay hahatulan niya, o sino ang Panginoon, na magpapataw ng malupit na pagpapahirap sa aking mga tao? Inuutusan ko kayong dalhin dito si Abinadi, upang mapatay ko siya, [i]2437[/i] sapagkat sinabi niya ang mga bagay na ito upang pukawin niya ang aking mga tao na magalit sa isa’t isa, at lumikha ng mga alitan sa aking mga tao; kaya nga, siya ay papatayin ko.
Ngayon, ang mga mata ng mga tao ay nabubulagan; samakatwid, pinatigas nila ang kanilang mga puso laban sa mga salita ni Abinadi, at pinagsikapan nila mula noon na dakpin siya. [i]2767[/i] At pinatigas ni haring Noe ang kanyang puso laban sa salita ng Panginoon, at hindi siya nagsisi sa kanyang masasamang gawa.