At si Moroni ay isang malakas at makapangyarihang lalaki; siya ay isang lalaking may ganap na pang-unawa; oo, isang lalaking hindi nagagalak sa pagpapadanak ng dugo; isang lalaking nagagalak ang kaluluwa sa kalayaan ng kanyang bayan, at ng kanyang mga kapatid mula sa pagkaalipin at pagkabusabos;
Oo, isang lalaking tumataba ang puso sa pagpapasalamat sa kanyang Diyos, para sa maraming pribilehiyo at mga pagpapalang ibinigay niya sa kanyang mga tao; isang lalaking nagpagal nang labis para sa kapakanan at kaligtasan ng kanyang mga tao.
Oo, at siya’y isang lalaking di matitinag sa pananampalataya kay Cristo, at siya ay nanumpa ng isang sumpang ipagtatanggol ang kanyang mga tao, kanyang mga karapatan, at kanyang bayan, at kanyang relihiyon, maging hanggang sa pagkaubos ng kanyang dugo.