Alma 48:11–13

At si Moroni ay isang malakas at makapangyarihang lalaki; [i]2959[/i] siya ay isang lalaking may ganap na pang-unawa; oo, isang lalaking hindi nagagalak sa pagpapadanak ng dugo; isang lalaking nagagalak ang kaluluwa sa kalayaan ng kanyang bayan, [i]3228[/i] at ng kanyang mga kapatid mula sa pagkaalipin at pagkabusabos;

Oo, isang lalaking tumataba ang puso sa pagpapasalamat sa kanyang Diyos, para sa maraming pribilehiyo at mga pagpapalang ibinigay niya sa kanyang mga tao; isang lalaking nagpagal nang labis para sa kapakanan at kaligtasan ng kanyang mga tao.

Oo, at siya’y isang lalaking di matitinag sa pananampalataya kay Cristo, [i]2939[/i] at siya ay nanumpa ng isang sumpang ipagtatanggol ang kanyang mga tao, kanyang mga karapatan, at kanyang bayan, at kanyang relihiyon, maging hanggang sa pagkaubos ng kanyang dugo.

From section: Mga Paghahandang Pandepensang Militar ni Moroni

From page: Ang Panahon ng Digmaan ng Zarahemla

Commentary