Alma 48:7–10

Ngayon ito ay nangyari na, na samantalang nasa gayong pangangalap ng kapangyarihan si Amalikeo sa pamamagitan ng pandaraya at panlilinlang, si Moroni, sa kabilang dako, ay inihahanda ang mga pag-iisip ng mga tao na maging matapat sa Panginoon nilang Diyos.

Oo, pinalakas niya ang mga hukbo ng mga Nephita, at nagtatayo ng maliliit na muog, o mga lugar ng dulugan; nagtataas ng mga pampang ng lupa sa paligid upang masanggalang ang kanyang mga hukbo, at nagtayo rin ng mga pader na bato upang ipalibot sa kanila, [i]3227[/i] sa paligid ng kanilang mga lunsod at hangganan ng kanilang mga lupain; oo, sa lahat ng paligid ng lupain.

At sa kanilang pinakamahinang tanggulan ay nagtalaga siya ng pinakamaraming bilang ng tauhan; at sa gayon kinutaan niya at pinalakas ang lupaing pag-aari ng mga Nephita. At sa gayon naghahanda siyang itaguyod ang kanilang kalayaan, kanilang mga lupain, kanilang mga asawa, at kanilang mga anak, at kanilang kapayapaan, at upang sila ay mabuhay sa Panginoon nilang Diyos, at upang mapanatili nila ang yaong tinatawag ng kanilang mga kaaway na layunin ng mga Cristiyano.

From section: Mga Paghahandang Pandepensang Militar ni Moroni

From page: Ang Panahon ng Digmaan ng Zarahemla

Commentary