Alma 46:40-41

At may ilang nangamatay sa mga lagnat, na sa ilang panahon ay napakadalas sa lupain—subalit hindi gaanong malubha ang mga lagnat dahil sa labis na kainaman ng maraming halaman at ugat na inihanda ng Diyos upang maalis ang sanhi ng mga karamdaman, [i]3214[/i] na pumapasailalim sa mga tao dahil sa kalagayan ng klima— Subalit marami ang nangamatay dahil sa katandaan; at ang mga yaong nangamatay sa pananampalataya kay Cristo ay maligaya sa kanya, tulad ng nararapat nating akalain.

From section: Ang Pag-urong Ng Mga Amalikita at Ang Muog Ng Mga Nephita

From page: Ang Panahon ng Digmaan ng Zarahemla

Commentary