Alma 48:14–16

Ngayon, ang mga Nephita ay tinuruang ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa kanilang mga kaaway, maging hanggang sa pagdanak ng dugo kung ito ay kinakailangan; oo, at sila ay tinuruan ding hindi nararapat gumawa ng pagsalakay, oo, at hindi kailanman magtataas ng espada maliban kung ito ay laban sa isang kaaway, maliban kung ito ay upang pangalagaan ang kanilang mga buhay.

At ito ang kanilang pananampalataya, na sa paggawa nang gayon ay pauunlarin sila ng Diyos sa lupain, o sa ibang salita, kung sila ay tapat sa pagsunod sa mga kautusan ng Diyos na sila ay pauunlarin niya sa lupain; oo, babalaan silang tumakas, o maghanda para sa digmaan, alinsunod sa kanilang panganib;

At gayon din, na ipaaalam ng Diyos sa kanila kung saan sila magtutungo upang ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa kanilang mga kaaway, at sa paggawa ng gayon, sila ay ililigtas ng Panginoon; at ito ang pananampalataya ni Moroni, at ang kanyang puso ay nagagalak dito; hindi sa pagpapadanak ng dugo kundi sa paggawa ng kabutihan, sa pangangalaga ng kanyang mga tao, oo, sa pagsunod sa mga kautusan ng Diyos, oo, at paglaban sa kasamaan.

From section: Mga Paghahandang Pandepensang Militar ni Moroni

From page: Ang Panahon ng Digmaan ng Zarahemla

Commentary