Ngayon, ang bilang ng kanilang mga patay ay hindi mabilang dahil sa kalakihan ng bilang; oo, ang bilang ng kanilang mga patay ay labis-labis na malaki, kapwa sa mga Nephita at sa mga Lamanita.
At ito ay nangyari na, na itinapon nila ang kanilang mga patay sa mga tubig ng Sidon, at sila ay inanod at nalibing sa mga kailaliman ng dagat. At ang mga hukbo ng mga Nephita, o ni Moroni, ay nagsibalik at nagsitungo sa kani-kanilang tahanan at kanilang mga lupain. At sa gayon nagtapos ang ikalabingwalong taon ng panunungkulan ng mga hukom sa mga tao ni Nephi. At sa gayon nagwawakas ang talaan ni Alma, na nasusulat sa mga lamina ni Nephi.