Ngayon, ang bilang ng kanilang mga patay ay hindi mabilang dahil sa kalakihan ng bilang; oo, ang bilang ng kanilang mga patay ay labis-labis na malaki, kapwa sa mga Nephita at sa mga Lamanita.
At ito ay nangyari na, na itinapon nila ang kanilang mga patay sa mga tubig ng Sidon, [i]3125[/i] at sila ay inanod at nalibing sa mga kailaliman ng dagat. At ang mga hukbo ng mga Nephita, o ni Moroni, ay nagsibalik at nagsitungo sa kani-kanilang tahanan at kanilang mga lupain. [i]3126[/i] At sa gayon nagtapos ang ikalabingwalong taon ng panunungkulan ng mga hukom sa mga tao ni Nephi. At sa gayon nagwawakas ang talaan ni Alma, na nasusulat sa mga lamina ni Nephi.