Ang Panahon ng Digmaan ng Zarahemla

Si Moroni at Zerahemna

Alma 44:1–7

Sinabihan ni Moroni si Zerahemnas na ang Panginoon ay nasa panig ng mga Nephita at inutusan ang mga Lamanita na isuko ang kanilang mga sandata at sumumpa na hindi na makikipagdigmang muli.

At ito ay nangyari na, na sila ay tumigil at umurong ng ilang hakbang mula sa kanila. At sinabi ni Moroni kay Zerahemnas:

Alma 44:8–9

Inihagis ni Zerahemnas ang kanyang sandata sa paanan ni Moroni, subalit tumangging gumawa ng isang pangako ng kapayapaan o kilalanin ang kamay ng Panginoon sa tagumpay ng mga Nephita.

At ngayon ito ay nangyari na, nang marinig ni Zerahemnas ang mga salitang ito ay lumapit siya at isinuko ang kanyang espada at ang kanyang simitar, at ang kanyang busog sa mga kamay ni Moroni, at sinabi sa kanya:

Masdan, ito na ang aming mga sandata ng digmaan; isusuko namin ang mga ito sa inyo, subalit hindi namin pahihintulutan ang aming sarili na makipagsumpaan sa inyo, na nalalaman naming masisira namin, at gayon din ng aming mga anak; subalit kunin ninyo ang aming mga sandata ng digmaan, at pahintulutang kami ay lumisan patungo sa ilang; kung hindi ay pananatilihin namin ang aming mga espada, at kami’y masasawi o mamamayani.

Masdan, hindi kami kabilang sa inyong pananampalataya; hindi kami naniniwala na ang Diyos ang nagbigay sa amin sa inyong mga kamay; kundi naniniwala kami na ang inyong katusuhan ang nagligtas sa inyo mula sa aming mga espada. Masdan, ang inyong mga baluti sa dibdib at inyong mga kalasag ang nagligtas sa inyo.

Alma 44:10–11

Ibinalik ni Moroni ang mga sandati kay Zerahemnas, nagpipilit na siya ay mangangakong hindi na muling sasalakay, o makikipaglaban hanggang sa kamatayan.

At ngayon, nang matapos si Zerahemnas sa pangungusap ng mga salitang ito, isinauli ni Moroni ang espada at ang mga sandata ng digmaan, na kanyang tinanggap, kay Zerahemnas, sinasabing:

Masdan, tatapusin natin ang labanan. Ngayon, hindi ko na mababawi pa ang mga salitang sinabi ko, anupa’t yamang ang Panginoon ay buhay, kayo ay hindi makalilisan maliban kung lilisan kayo nang may panunumpa na hindi na kayo muli pang babalik laban sa amin upang makidigma. Ngayon, sapagkat kayo ay nasa aming mga kamay ay paaagusin namin ang inyong dugo sa lupa, o kayo ay pasasailalim sa mga batayang iminungkahi ko.

Alma 44:12

Si Zerahemnas, nagagalit, ay kinuha ang kanyang espada muli, at lumusob upang patayin si Moroni, ngunit isa sa mga sundalo ni Moroni ay tumindig, at hinataw si Zerahemnas sa anit.

At ngayon, nang sabihin ni Moroni ang mga salitang ito, pinanatili ni Zerahemnas ang kanyang espada, at siya ay nagalit kay Moroni, at siya ay sumugod upang mapatay niya si Moroni; subalit nang itaas niya ang kanyang espada, masdan, isa sa mga kawal ni Moroni ay hinataw ito maging sa lumagpak ito sa lupa, at nabali ito sa may puluhan; at hinataw rin niya si Zerahemnas kung kaya’t natanggal niya ang kanyang anit at nalaglag ito sa lupa. At si Zerahemnas ay umurong mula sa kanilang harapan patungo sa gitna ng kanyang mga kawal.

Alma 44:13–14

Kinuha ng kawal ang anit ni Zerahemnas ng kanyang espada, at nagsabi na ang mga Lamanita ay sa ganong paraan din babagsak kung hindi sila susuko at mangangako na magiging mapayapa.

At ito ay nangyari na, na ang kawal na nakatayo, na siyang tumagpas sa anit ni Zerahemnas, ay kinuha ang anit sa lupa sa may buhok, at inilagay ito sa dulo ng kanyang espada, at iwinasiwas ito sa kanila, sinasabi sa kanila sa malakas na tinig:

Maging tulad ng anit na ito na bumagsak sa lupa, na anit ng inyong pinuno, kayo ay babagsak din sa lupa maliban kung isusuko ninyo ang inyong mga sandata ng digmaan at lumisan nang may tipan ng kapayapaan.

Alma 44:15

Maraming mga Lamanita, dahil sa takot, ay itinapon ang kanilang mga sandata sa paanan ni Moroni, nangangako ng kapayapaan.

Ngayon marami, nang marinig nila ang mga salitang ito at nakita ang anit na nasa espada, ang nakadama ng takot; at marami ang lumapit at inihagis ang kanilang mga sandata ng digmaan sa paanan ni Moroni, at nakipagtipan ng kapayapaan. At kasindami ng nakipagtipan ay pinahintulutan nilang lumisan patungo sa ilang.

Alma 44:16–18

Si Zerahemnas, na lubhang galit, ay hinimok ang mga natitirang Lamanita, at sila ay nakipaglabang muli sa mga Nephita, subalit madaling napabagsak dahil sa kawalan ng mga baluti.

Ngayon ito ay nangyari na, na si Zerahemnas ay labis na napoot, at pinukaw niya ang nalalabi sa kanyang mga kawal na magalit, upang lumaban nang mas matindi laban sa mga Nephita. At ngayon, si Moroni ay nagalit, dahil sa pagmamatigas ng mga Lamanita; kaya nga inutusan niya ang kanyang mga tao na sugurin sila at patayin sila. At ito ay nangyari na, na kanilang sinimulang patayin sila; oo, at ang mga Lamanita ay lumaban sa pamamagitan ng kanilang mga espada at sa kanilang lakas.

Subalit masdan, ang kanilang hubad na balat at kanilang mga walang takip na ulo ay nakalantad sa matatalim na espada ng mga Nephita; oo, masdan, sila ay pinagsasaksak at niligalig, oo, at labis na mabilis silang bumagsak sa mga espada ng mga Nephita; at sila ay nagsimulang mapalis, maging tulad ng iprinopesiya ng kawal ni Moroni.

Alma 44:19–20

Nakikita na ang kanyang mga hukbo ay nalilipol ng mabilis, si Zerahemnas ay sumuko, at nangako na hindi na muling makikidigma, at ang mga Lamanita ay lumisan sa ilang.

Ngayon, si Zerahemnas, nang makita niya na malapit na silang malipol na lahat, ay nagsumamo nang marubdob kay Moroni, nangangako na siya ay makikipagtipan at ang kanya ring mga tao sa kanila, kung hindi nila kikitlan ng kanilang mga buhay ang nalalabi, na hindi na sila muling babalik pa upang makidigma laban sa kanila.

At ito ay nangyari na, na muling pinatigil ni Moroni ang gawa ng kamatayan sa mga tao. At kinuha niya ang mga sandata ng digmaan sa mga Lamanita; at matapos silang makipagtipan sa kanya ng kapayapaan ay pinahintulutan silang lumisan patungo sa ilang.

Alma 44:21–24

Ang bilang ng mga nasawi ay napakalaki kaya hindi na nila binilang ang mga namatay, at ang mga Nephita ay bumalik sa kanilang tahanan.

Ngayon, ang bilang ng kanilang mga patay ay hindi mabilang dahil sa kalakihan ng bilang; oo, ang bilang ng kanilang mga patay ay labis-labis na malaki, kapwa sa mga Nephita at sa mga Lamanita.

At ito ay nangyari na, na itinapon nila ang kanilang mga patay sa mga tubig ng Sidon, at sila ay inanod at nalibing sa mga kailaliman ng dagat. At ang mga hukbo ng mga Nephita, o ni Moroni, ay nagsibalik at nagsitungo sa kani-kanilang tahanan at kanilang mga lupain. At sa gayon nagtapos ang ikalabingwalong taon ng panunungkulan ng mga hukom sa mga tao ni Nephi. At sa gayon nagwawakas ang talaan ni Alma, na nasusulat sa mga lamina ni Nephi.

Alma 45:1

Ang mga Nephita ay nagalak at nagpasalamat sa Diyos para sa kanilang tagumpay.

Masdan, ngayon ito ay nangyari na, na ang mga tao ni Nephi ay labis na nagsaya, dahil sa sila ay muling iniligtas ng Panginoon mula sa mga kamay ng kanilang mga kaaway; anupa’t sila ay nagbigay-pasasalamat sa Panginoon nilang Diyos; oo, at labis silang nag-ayuno at labis na nanalangin, at sinamba nila ang Diyos sa labis na kagalakan.