Alma 44:19–20

Ngayon, si Zerahemnas, nang makita niya na malapit na silang malipol na lahat, [i]3124[/i] ay nagsumamo nang marubdob kay Moroni, [i]1695[/i] nangangako na siya ay makikipagtipan at ang kanya ring mga tao sa kanila, kung hindi nila kikitlan ng kanilang mga buhay ang nalalabi, na hindi na sila muling babalik pa upang makidigma laban sa kanila.

At ito ay nangyari na, na muling pinatigil ni Moroni ang gawa ng kamatayan sa mga tao. At kinuha niya ang mga sandata ng digmaan sa mga Lamanita; at matapos silang makipagtipan sa kanya ng kapayapaan ay pinahintulutan silang lumisan patungo sa ilang. [i]1696[/i]

From section: Si Moroni at Zerahemna

From page: Ang Panahon ng Digmaan ng Zarahemla

Commentary