Ngayon ito ay nangyari na, na si Zerahemnas ay labis na napoot, at pinukaw niya ang nalalabi sa kanyang mga kawal na magalit, upang lumaban nang mas matindi laban sa mga Nephita. At ngayon, si Moroni ay nagalit, dahil sa pagmamatigas ng mga Lamanita; kaya nga inutusan niya ang kanyang mga tao na sugurin sila at patayin sila. At ito ay nangyari na, na kanilang sinimulang patayin sila; oo, at ang mga Lamanita ay lumaban sa pamamagitan ng kanilang mga espada at sa kanilang lakas. [i]3123[/i]
Subalit masdan, ang kanilang hubad na balat at kanilang mga walang takip na ulo ay nakalantad sa matatalim na espada ng mga Nephita; oo, masdan, sila ay pinagsasaksak at niligalig, oo, at labis na mabilis silang bumagsak sa mga espada ng mga Nephita; at sila ay nagsimulang mapalis, maging tulad ng iprinopesiya ng kawal ni Moroni. [i]1694[/i]