At ngayon ito ay nangyari na, nang marinig ni Zerahemnas ang mga salitang ito ay lumapit siya at isinuko ang kanyang espada at ang kanyang simitar, at ang kanyang busog sa mga kamay ni Moroni, at sinabi sa kanya:
Masdan, ito na ang aming mga sandata ng digmaan; [i]1689[/i] [i]3118[/i] isusuko namin ang mga ito sa inyo, subalit hindi namin pahihintulutan ang aming sarili na makipagsumpaan sa inyo, na nalalaman naming masisira namin, at gayon din ng aming mga anak; subalit kunin ninyo ang aming mga sandata ng digmaan, at pahintulutang kami ay lumisan patungo sa ilang; kung hindi ay pananatilihin namin ang aming mga espada, at kami’y masasawi o mamamayani.
Masdan, hindi kami kabilang sa inyong pananampalataya; hindi kami naniniwala na ang Diyos ang nagbigay sa amin sa inyong mga kamay; kundi naniniwala kami na ang inyong katusuhan ang nagligtas sa inyo mula sa aming mga espada. Masdan, ang inyong mga baluti sa dibdib at inyong mga kalasag ang nagligtas sa inyo.