At masdan, hinirang ni Moroni si Lehi na maging punong kapitan ng mga tauhan sa lunsod na yaon; at ito ang yaon ding Lehi na nakipaglaban sa mga Lamanita sa lambak na nasa silangan ng ilog Sidon.
At ngayon masdan ito ay nangyari na, nang matuklasan ng mga Lamanita na si Lehi ang namumuno sa lunsod ay muli silang nabigo, sapagkat labis silang natatakot kay Lehi; gayon pa man, ang kanilang mga punong kapitan ay nangako nang may panunumpa na sasalakayin ang lunsod; kaya nga, pinamunuan nila ang kanilang mga hukbo.