At masdan, hinirang ni Moroni si Lehi na maging punong kapitan ng mga tauhan sa lunsod na yaon; at ito ang yaon ding Lehi na nakipaglaban sa mga Lamanita sa lambak na nasa silangan ng ilog Sidon. [i]3234[/i]
At ngayon masdan ito ay nangyari na, nang matuklasan ng mga Lamanita na si Lehi ang namumuno sa lunsod ay muli silang nabigo, sapagkat labis silang natatakot kay Lehi; gayon pa man, ang kanilang mga punong kapitan ay nangako nang may panunumpa na sasalakayin ang lunsod; kaya nga, pinamunuan nila ang kanilang mga hukbo.