Ngayon masdan, ang mga Lamanita ay hindi makapasok sa kanilang mga kuta ng dulugan sa kahit anong pamamaraan maliban na lamang sa pasukan, dahil sa kataasan ng tagaytay na ginawa, at sa kalaliman ng bambang na hinukay sa paligid, maliban sa pasukan.
At sa gayon ang mga Nephita ay nahahandang patayin ang lahat ng mangangahas na umakyat upang makapasok sa kuta sa ibang daan, sa pamamagitan ng pagpupukol ng mga bato at palaso sa kanila. Sa gayon sila nakahanda, oo, isang pangkat ng pinakamalakas nilang tauhan, na may mga espada at may mga tirador, upang patamaan ang lahat ng mangangahas na pumasok sa kanilang lugar ng dulugan sa lugar ng pasukan; at sa gayon sila nakahandang ipagtanggol ang sarili laban sa mga Lamanita.