Subalit masdan, sa kanilang panggigilalas, ang lunsod ng Noe, na noon ay mahinang lugar, ngayon, dahil kay Moroni, ay naging malakas, oo, maging hanggang sa malampasan ang lakas ng lunsod ng Ammonihas. At ngayon, masdan, ito ay karunungan ni Moroni; sapagkat kanyang inakala na sila ay matatakot sa lunsod ng Ammonihas; at dahil ang lunsod ng Noe ang pinakamahinang bahagi ng lupain noon, anupa’t sila ay magtutungo roon upang makidigma; at gayon nga ito alinsunod sa kanyang mga naisin.