Ngayon, kung si haring Amalikeo ay humayo mula sa lupain ng Nephi, sa unahan ng kanyang hukbo, ay baka iniutos niya sa mga Lamanita na salakayin ang mga Nephita sa lunsod ng Ammonihas; sapagkat masdan, hindi niya pinahahalagahan ang dugo ng kanyang mga tao.
Subalit masdan, si Amalikeo rin ay hindi humayo upang makidigma. At masdan, ang kanyang mga punong kapitan ay hindi nagtangkang salakayin ang mga Nephita sa lunsod ng Ammonihas, sapagkat binago ni Moroni ang pamamalakad ng mga pamumuhay sa mga Nephita, kung kaya nga’t ang mga Lamanita ay nabigo sa kanilang mga lugar ng dulugan at hindi nila sila masalakay.
Anupa’t sila ay umatras sa ilang, at dinala ang kanilang kuta at humayo patungo sa lupain ng Noe, [i]3233[/i] inaakalang yaon ang susunod na mainam na lugar para sa kanila upang masalakay ang mga Nephita. Sapagkat hindi nila nalalamang pinatibay ni Moroni, o nagtayo ng mga kuta ng dulugan, ang bawat lunsod sa buong lupain sa paligid; kaya nga, sila ay humayo sa lupain ng Noe nang may matatag na pagtitika; oo, ang kanilang mga punong kapitan ay nagsihayo at nakipagtipang kanilang lilipulin ang mga tao ng lunsod na yaon.