Alma 49:5–9

Ngayon sa oras na ito ay labis na nanggilalas ang mga punong kapitan ng mga Lamanita, dahil sa karunungan ng mga Nephita sa paghahanda ng kanilang mga lugar ng dulugan. Ngayon inakala ng mga pinuno ng mga Lamanita, dahil sa kalakihan ng kanilang bilang, oo, inakala nilang magkakaroon sila ng pribilehiyong salakayin sila tulad ng kanilang nagawa noon; oo, at hinandaan din nila ang kanilang sarili ng mga kalasag, at ng baluti sa dibdib at hinandaan din nila ang kanilang sarili ng mga kasuotang balat, oo, labis na makakapal na kasuotan upang matakpan ang kanilang kahubaran.

At dahil sa ganitong kahandaan ay inakala nilang kanilang madaling magagapi at mapapasailalim ang kanilang mga kapatid sa singkaw ng pagkaalipin, o ang patayin at lipulin sila alinsunod sa kanilang ikasisiya.

Subalit masdan, sa kanilang labis-labis na panggigilalas, sila ay nakahanda para sa kanila, sa isang kaparaanang hindi pa kailanman nalaman sa mga anak ni Lehi. Ngayon, sila ay nakahanda para sa mga Lamanita, upang makidigma alinsunod sa mga tagubilin ni Moroni. At ito ay nangyari na, na ang mga Lamanita, o ang mga Amalikeohita, ay labis-labis ang panggigilalas sa kanilang pamamaraan ng paghahanda para sa digmaan. [i]3232[/i]

From section: Pagsisimula Ng Pagsalakay Ng Mga Lamanita

From page: Ang Panahon ng Digmaan ng Zarahemla

Commentary