At ngayon ito ay nangyari na, na sa ikalabing-isang buwan ng ikalabingsiyam na taon, sa ikasampung araw ng buwan, ang mga hukbo ng mga Lamanita ay nakitang papalapit patungo sa lupain ng Ammonihas. At masdan, ang lunsod ay muling itinayo, at si Moroni ay nagtalaga ng isang hukbo sa mga hangganan ng lunsod, at sila ay nagtaas ng lupa sa paligid upang sumanggalang sa kanila mula sa mga palaso at mga bato ng mga Lamanita; sapagkat masdan, sila ay lumalaban sa pamamagitan ng mga bato at ng mga palaso.
Masdan, sinabi ko na ang lunsod ng Ammonihas ay muling itinayo. Sinasabi ko sa inyo, oo, na ang bahagi nito ay muling itinayo; at dahil ito ay minsan nang winasak ng mga Lamanita dahil sa kasamaan ng mga tao, inakala nila na muli itong magiging madaling huli para sa kanila.
Subalit masdan, anong laki ng kanilang kabiguan; sapagkat masdan, ang mga Nephita ay nakapaghukay ng isang tagaytay ng lupa sa paligid nila, [i]3231[/i] na napakataas kung kaya’t hindi mabisang maipukol ng mga Lamanita ang kanilang mga bato at kanilang mga palaso sa kanila, ni hindi nila masalakay sila maliban lamang sa kanilang lugar ng pasukan.