Alma 48:24–25

Gayon pa man, hindi nila mapahihintulutang ihain ang kanilang mga buhay, na ang kanilang mga asawa at kanilang mga anak ay malipol sa pamamagitan ng mabangis na kalupitan ng mga yaong minsan ay kanilang mga kapatid, oo, at nagsitiwalag mula sa kanilang simbahan, at sila ay iniwanan at humayo upang lipulin sila sa pamamagitan ng pag-anib sa mga Lamanita.

Oo, hindi nila maaatim na matuwa ang kanilang mga kapatid sa dugo ng mga Nephita, hangga’t may sumusunod sa mga kautusan ng Diyos, sapagkat ang pangako ng Panginoon ay, kung susundin nila ang kanyang mga kautusan sila ay uunlad sa lupain.

From section: Mga Paghahandang Pandepensang Militar ni Moroni

From page: Ang Panahon ng Digmaan ng Zarahemla

Commentary