Subalit, tulad ng aking sinabi, sa pagtatapos ng ikalabingsiyam na taon, oo, sa kabila ng kanilang kapayapaan sa kanila, bantulot na napilitan silang labanan ang kanilang mga kapatid, ang mga Lamanita. Oo, at sa madaling salita, ang kanilang mga pakikidigma sa mga Lamanita ay hindi tumigil sa loob ng maraming taon, sa kabila ng kanilang labis na pag-aatubili.
Ngayon, sila ay nalulungkot na humawak ng sandata laban sa mga Lamanita, dahil sa hindi sila nagagalak sa pagpapadanak ng dugo; [i]3230[/i] oo, at hindi lamang ito—sila ay nalulungkot na maging dahilan sa pagpapadala ng napakarami sa kanilang mga kapatid sa labas ng daigdig na ito patungo sa walang hanggang daigdig, na hindi handang humarap sa kanilang Diyos.