Moroni 7:2–3

At ngayon ako, si Mormon, ay nangungusap sa inyo, mga minamahal kong kapatid; at ito ay sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos Ama, at ng ating Panginoong Jesucristo, at kanyang banal na kalooban, dahil sa kaloob ng kanyang pagtawag sa akin, na ako ay pinayagang mangusap sa inyo sa panahong ito. Dahil dito, ako ay mangungusap sa inyo na nasa simbahan, na mga mapamayapang tagasunod ni Cristo, at na nagkaroon ng sapat na pag-asa kung saan kayo ay makapapasok sa kapahingahan ng Panginoon, simula sa panahong ito hanggang sa kayo ay mamahingang kasama niya sa langit.

From section: Panimula

From page: Adres ng Sinagoga ng Mormon

Commentary