Masdan, sinasabi ko sa inyo, Hindi; sapagkat sa pamamagitan ng pananampalataya ang mga himala ay nagagawa at sa pamamagitan ng pananampalataya ang mga anghel ay nagpapakita at naglilingkod sa mga anak ng tao; kaya nga, kung ang mga bagay na ito ay tumigil, sa aba sa mga anak ng tao, sapagkat ito ay dahil sa kanilang kawalang-paniniwala, at lahat ay walang saysay.