Ang Panahon ng Gadianton

Ang Kabutihan ng mga Lamanita

Helaman 6:1

Ang pananampalataya ng mga Lamanita ay naging gayon na sila ay lahat-lahat na naging mas higit na mabubuti kaysa sa mga Nephita.

At ito ay nangyari na, nang ang ikaanimnapu at dalawang taon ng panunungkulan ng mga hukom ay nagtapos, naganap ang lahat ng bagay na ito at ang mga Lamanita ay naging, yaong mga nakararaming bahagi sa kanila, mabubuting tao, hanggang sa mahigitan nila ang kabutihan ng mga yaong Nephita, dahil sa kanilang tibay at katatagan sa pananampalataya.

Helaman 6:2–3

Maraming mga Nephita ang tumalikod sa kanilang pananampalataya, subalit ang simbahan ay nagpatuloy sa paglago dahil sa patuloy na pagdaloy ng mga nagbalik-loob na mga Lamanita.

Sapagkat masdan, marami sa mga Nephita ang naging matitigas at hindi nagsisisi at napakasasama, hanggang sa tanggihan nila ang salita ng Diyos at lahat ng pangangaral at pagpopropesiyang dumating sa kanila.

Gayon pa man, ang mga tao ng simbahan ay nagkaroon ng labis na kagalakan dahil sa pagbabalik-loob ng mga Lamanita, oo, dahil sa simbahan ng Diyos na itinatag sa kanila. At sila ay nakipagkapatiran sa isa’t isa, at nagsaya sa isa’t isa, at nagkaroon ng labis na kagalakan.

Helaman 6:4–5

Ang mga mabubuting Lamanita ay nanirahan sa lupain ng mga Nephita, at nagpatotoo ng kanilang pagbabalik-loob sa Panginoon, hinihimok ang mga Nephita na magsisi.

At ito ay nangyari na, na marami sa mga Lamanita ang nagtungo sa lupain ng Zarahemla, at ipinahayag sa mga tao ng mga Nephita ang pamamaraan ng kanilang pagbabalik-loob, at pinayuhan sila na manampalataya at magsisi. Oo, at marami ang nangaral nang may dakilang kapangyarihan at karapatan, tungo sa pagdadala ng marami sa kanila sa kailaliman ng pagpapakumbaba, upang maging mga mapagpakumbabang tagasunod ng Diyos at ng Kordero.

Helaman 6:6

Si Nephi at si Lehi ay nagtungo sa mga hilagang lupain upang mangaral.

At ito ay nangyari na, na marami sa mga Lamanita ang nagtungo sa lupaing pahilaga; at sina Nephi at Lehi rin ay nagtungo sa lupaing pahilaga, upang mangaral sa mga tao. At sa gayon nagtapos ang ikaanimnapu at tatlong taon.