Helaman 6:2–3

Sapagkat masdan, marami sa mga Nephita ang naging matitigas at hindi nagsisisi at napakasasama, [i]3319[/i] hanggang sa tanggihan nila ang salita ng Diyos at lahat ng pangangaral at pagpopropesiyang dumating sa kanila.

Gayon pa man, ang mga tao ng simbahan ay nagkaroon ng labis na kagalakan dahil sa pagbabalik-loob ng mga Lamanita, oo, dahil sa simbahan ng Diyos na itinatag sa kanila. At sila ay nakipagkapatiran sa isa’t isa, at nagsaya sa isa’t isa, at nagkaroon ng labis na kagalakan.

From section: Ang Kabutihan ng mga Lamanita

From page: Ang Panahon ng Gadianton

Commentary