Si Gid at Ang Mga Bilanggo

Paghihimagsik ng mga Bilanggo

Alma 57:30–31
Habang si Gid at ang kanyang mga tauhan ay inihahatid ang mga bilanggong Lamanita pabalik sa Zarahemla, nakasalubong nila ang espiyang Nephita na nagbabala sa kanila na may paparating na mga pangkat ng Lamanita.
Alma 57:32
Nang marinig ng mga bihag na marami pang mga Lamanita ang parating, sila ay nasabik, at nagsimulang maghimagsik.
Alma 57:33
Upang masugpo ang panghihimagsik, ang mga tagadala ng mga bihag ay pinagpapatay ang malaking bilang ng mga bihag, at ang mga nalalabing mga bihag ay nakatakas.
Alma 57:34
Tinugis ni Gid ang mga nagsitakas na mga bihag, at sa kanyang pagtugis ay nadaanan ang hukbo ni Helaman, na sinasalakay ng mga karagdagang Lamanita.
Alma 57:35
Nakita ni Gid ang paglalaan ng Diyos.