At sinabi niya:
Hanggang sa mawasak ang mga lunsod at mawalan ng mga naninirahan,
at ang mga bahay ay mawalan ng tao,
_at ang lupain ay lubusang mangawasak;
At inilayo ng Panginoon ang mga tao,
_sapagkat magkakaroon ng labis na kapabayaan sa gitna ng lupain.
Subalit magkakaroon pa rin ng ikasampung bahagi,
_at magsisibalik sila,
_at sila ay lalamunin,
_tulad ng isang terebinto,
_at tulad ng isang encina na ang puno
_ay naiiwan kapag nalalagas ang kanilang mga dahon;
_kung kaya’t ang mga banal na binhi ay siyang puno niyon.