Sapagkat maaawa ang Panginoon kay Jacob,
at pipiliin niyang muli ang Israel,
at ilalagay sila sa kanilang sariling lupain;
at makikisama sa kanila ang mga dayuhan,
at pipisan sa sambahayan ni Jacob.
At kukunin sila ng mga tao
at dadalhin sila sa kanilang lugar;
oo, mula sa malayo hanggang sa mga dulo ng mundo;
at babalik sila sa kanilang mga lupang pangako.
At aangkinin sila ng sambahayan ni Israel,
sa lupain ng Panginoon
ay aariing mga tagapagsilbing babae at lalaki;
at kanilang bibihagin sila
na mga yaong bumihag sa kanila;
at paghaharian nila yaong mga nagmalupit sa kanila.
At ito ay mangyayari na sa araw na yaon
ay bibigyan ka ng Panginoon ng pahinga,
mula sa iyong kalungkutan, at mula sa iyong takot,
at mula sa mabigat na pagkaalipin
kung saan ka pinaglingkod.