2 Nephi 24:1-3

Sapagkat maaawa ang Panginoon kay Jacob,
_at pipiliin niyang muli ang Israel,
_at ilalagay sila sa kanilang sariling lupain;
_at makikisama sa kanila ang mga dayuhan,
_at pipisan sa sambahayan ni Jacob.

At kukunin sila ng mga tao
_at dadalhin sila sa kanilang lugar;
_oo, mula sa malayo hanggang sa mga dulo ng mundo;
_at babalik sila sa kanilang mga lupang pangako.

At aangkinin sila ng sambahayan ni Israel,
_sa lupain ng Panginoon
_ay aariing mga tagapagsilbing babae at lalaki;
_at kanilang bibihagin sila
_na mga yaong bumihag sa kanila;
_at paghaharian nila yaong mga nagmalupit sa kanila.

At ito ay mangyayari na sa araw na yaon
_ay bibigyan ka ng Panginoon ng pahinga,
_mula sa iyong kalungkutan, at mula sa iyong takot,
_at mula sa mabigat na pagkaalipin
_kung saan ka pinaglingkod.

From section: Awa Para sa Israel

From page: Ang Pagsipi ni Nephi sa Isaias

Commentary