At ang Babilonia,
_ang kaluwalhatian ng mga kaharian,
_ang gandang ipinagmamalaki ng mga Caldeo,
_ay magagaya sa pagkawasak ng Diyos sa Sodoma at Gomorra.
Hindi na ito matitirahan,
_ni hindi paninirahan sa bawat sali’t salinlahi:
Ni hindi na ito tatayuan ng tolda ng taga-Arabia;
_ni hindi pahihigain doon ng mga pastol ang kanilang kawan.
Subalit ang mababangis na hayop ng ilang ay mahihiga roon;
_at mapupuno ang kanilang mga tahanan ng mga hayop na nagsisiungol;
_at mamamahay roon ang mga kuwago,
_magluluksuhan doon ang mababangis na kambing.
At magsisiungol ang mababangis na hayop ng mga pulo
_sa kanilang mapapanglaw na tahanan,
_at ang dragon sa kanilang maliligayang palasyo;
_at nalalapit na ang kanyang panahon,
_at hindi na pahahabain ang kanyang mga araw.
Sapagkat madali ko siyang wawasakin;
_oo, sapagkat magiging maawain ako sa aking mga tao,
_subalit masasawi ang masasama.