Ang Pagsipi ni Nephi sa Isaias

Ang Parabula ng Ubasan

2 Nephi 15:1–2

Ang isang lalaki ay lubos na nangalaga sa pagtatanim at pagtatayo ng ubasan.

At doon ako aawit sa aking pinakamamahal
ng isang awitin ng aking mahal, na tungkol sa kanyang ubasan.

Ang aking pinakamamahal ay may ubasan sa isang mayabong na burol.

At kanyang binakuran ito,
at inalisan ng mga bato,
at tinaniman ito ng pinakapiling puno ng ubas,
at nagtayo ng isang tore sa gitna niyon,
at naglagay rin ng isang pisaan ng ubas;
at siya ay umasang magbubunga iyon ng mga ubas,
at nagbunga ito ng mga ubas na ligaw.

2 Nephi 15:3–4

Sa kabila ng lahat ng pangangalaga at paggawa, bakit ang mga bunga ay naging masasama?

At ngayon,
O mga naninirahan sa Jerusalem,
at mga tao ng Juda,
hatulan, isinasamo ko sa inyo,
ako at ang aking ubasan.

Ano pa ba ang sukat kong gawin sa aking ubasan
na hindi ko pa nagagawa?

Samakatwid,
ano’t ang aking hinihintay na magbunga ng ubas
ay nagbunga ng ubas na ligaw.

2 Nephi 15:5–6

Ang mga hindi magagandang ani ang dahilan upang pabayaan ang ubasan.

At ngayon, halina,
aking sasabihin sa inyo ang gagawin ko sa aking ubasan—
aking aalisin ang bakod na siit niyon,
at nang ang mga ito ay masalanta;
at aking sisirain ang bakod niyon,
at nang ang mga ito ay pagtapakan.

At akin itong iiwanang sirang-sira;
hindi ito pupungusan ni bubungkalin man;
subalit magsisitubo ang mga dawag at mga tinik;
akin ding uutusan ang mga ulap na huwag nilang ulanan ito ng ulan.

2 Nephi 15:7

Ang ubasan ay ang Juda; ang lalaki ay ang Diyos, na naghahangad ng kabutihan mula sa kanyang mga tao, ngunit hindi nakukuha ito.

Sapagkat ang sambahayan ni Israel ang ubasan ng Panginoon ng mga Hukbo,
at ang mga tao ng Juda ang kanyang mainam na pananim;
at siya ay naghangad ng katarungan,
at masdan, narito ang kapighatian;
ng katwiran,
subalit masdan, narito ang daing.