At doon ako aawit sa aking pinakamamahal
_ng isang awitin ng aking mahal, na tungkol sa kanyang ubasan.
Ang aking pinakamamahal ay may ubasan sa isang mayabong na burol.
At kanyang binakuran ito,
_at inalisan ng mga bato,
_at tinaniman ito ng pinakapiling puno ng ubas,
_at nagtayo ng isang tore sa gitna niyon,
_at naglagay rin ng isang pisaan ng ubas;
_at siya ay umasang magbubunga iyon ng mga ubas,
_at nagbunga ito ng mga ubas na ligaw.