At iyong sasabihin sa araw na yaon:
O Panginoon, pupurihin kita;
bagaman nagalit kayo sa akin
ay napawi ang inyong galit,
at inalo ninyo ako.
Masdan,
ang Diyos ang aking kaligtasan;
ako ay magtitiwala, at walang katatakutan; sapagkat ang Panginoong JEHOVAH ang aking lakas at aking awit;
siya rin ay naging aking kaligtasan.
Samakatwid,
masaya kang iigib ng tubig mula sa mga balon ng kaligtasan.
At sasabihin mo sa araw na yaon:
Purihin ang Panginoon,
manawagan sa kanyang pangalan,
ipahayag sa iyong mga tao ang kanyang mga gawain,
ipagbantog na dakila ang kanyang pangalan.
Awitan ang Panginoon;
sapagkat gumawa siya ng mga dakilang bagay;
ang mga ito ay ipaaalam sa buong mundo.
Humiyaw at sumigaw,
kayong mga naninirahan sa Sion;
sapagkat dakila ang Banal ng Israel na nasa piling ninyo.