At sasabihin mo sa araw na yaon:
_Purihin ang Panginoon,
_manawagan sa kanyang pangalan,
_ipahayag sa iyong mga tao ang kanyang mga gawain,
_ipagbantog na dakila ang kanyang pangalan.
Awitan ang Panginoon;
_sapagkat gumawa siya ng mga dakilang bagay;
_ang mga ito ay ipaaalam sa buong mundo.
Humiyaw at sumigaw,
_kayong mga naninirahan sa Sion;
_sapagkat dakila ang Banal ng Israel na nasa piling ninyo.