Ang iprinopesiya sa Babilonia,
_na nakita ni Isaias na anak ni Amos.
Magtayo ka ng bandila sa mataas na bundok,
_sumigaw kayo sa kanila,
_iwasiwas ang kamay,
_upang pumasok sila sa mga pintuan ng mga maharlika.
Inutusan ko ang aking mga itinalaga,
_tinawag ko rin ang aking mga makapangyarihan,
_sapagkat ang aking galit ay wala sa kanila na mga nagsasaya sa aking kamahalan.
Ang ingay ng maraming tao sa mga bundok
_ay tulad ng isang dakilang bansa,
_umaalingawngaw ang kaguluhan
_ng mga kaharian ng mga bansang nagtipun-tipon,
_ang Panginoon ng mga Hukbo ang nangangalap ng mga hukbo ng digmaan.
Nagmula sila sa malayong bansa,
_mula sa hangganan ng langit,
_oo, ang Panginoon, at ang mga sandata ng kanyang poot,
_upang wasakin ang buong lupain.
Magsiungol kayo, sapagkat nalalapit na ang araw ng Panginoon;
_darating ito bilang isang pagwasak mula sa Pinakamakapangyarihan.
Samakatwid manghihina ang lahat ng kamay,
_manlulumo ang puso ng bawat tao;
At matatakot sila;
_matinding kirot at kalungkutan ay daranasin nila;
_magugulat sila sa isa’t isa;
_waring magliliyab ang kanilang mga mukha.