Ang salitang napag-alaman ni Isaias, ang anak ni Amos, hinggil sa Juda at Jerusalem:
At ito ay mangyayari sa mga huling araw,
na ang bundok na kinatitirikan ng bahay ng Panginoon
ay matatatag sa taluktok ng mga bundok,
at magiging mataas sa mga burol,
at magsisiparoon ang lahat ng bansa.
At maraming tao ang magsisiyaon at magsasabi,
Halina kayo, at tayo ay umahon
sa bundok ng Panginoon,
sa tahanan ng Diyos ni Jacob.At tuturuan niya tayo ng kanyang mga daan,
at tayo ay magsisilakad sa kanyang mga landas.Sapagkat mula sa Sion ay manggagaling ang batas,
at ang salita ng Panginoon mula sa Jerusalem.At siya ang huhukom sa mga bansa,
at pagsasabihan ang maraming tao:
at kanilang gagawing sudsod ang kanilang mga espada,
at ang kanilang mga sibat ay magiging mga karit—Ang bansa ay hindi magtataas ng espada laban sa bansa,
ni hindi na sila magsasanay sa digmaan.