2 Nephi 12:3–4

At maraming tao ang magsisiyaon at magsasabi,

Halina kayo, at tayo ay umahon
_sa bundok ng Panginoon,
_sa tahanan ng Diyos ni Jacob.

At tuturuan niya tayo ng kanyang mga daan,
_at tayo ay magsisilakad sa kanyang mga landas.

Sapagkat mula sa Sion ay manggagaling ang batas,
_at ang salita ng Panginoon mula sa Jerusalem.

At siya ang huhukom sa mga bansa,
_at pagsasabihan ang maraming tao:
_at kanilang gagawing sudsod ang kanilang mga espada,
_at ang kanilang mga sibat ay magiging mga karit—

Ang bansa ay hindi magtataas ng espada laban sa bansa,
_ni hindi na sila magsasanay sa digmaan.

From section: Ang Bundok ng Panginoon

From page: Ang Pagsipi ni Nephi sa Isaias

Commentary