Ang Pagsipi ni Nephi sa Isaias

Ang Mga Labi ng Israel ay Magbabalik

2 Nephi 20:20–23

Iniligtas ng biyaya ng Panginoon, ang bahagi ng Israel ay titipunin.

At ito ay mangyayari sa araw na yaon,
na ang labi ng Israel,
at yaong mga nakatakas sa sambahayan ni Jacob,
ay hindi na muling mananalig sa kanya na bumagabag sa kanila,
subalit mananalig sa Panginoon,
ang Banal ng Israel, sa katotohanan.

Magbabalik ang labi,
oo, maging ang labi ni Jacob,
sa makapangyarihang Diyos.

Sapagkat bagaman ang iyong mga tao sa Israel ay kasindami ng buhangin sa dagat,
gayon pa man magbabalik ang labi nila;
ang itinakdang pagkalipol ay aapaw sa katwiran.

Sapagkat ang paglilipol ay itinakda na ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo,
maging sa buong lupain.