2 Nephi 20:20–23

At ito ay mangyayari sa araw na yaon,
_na ang labi ng Israel,
_at yaong mga nakatakas sa sambahayan ni Jacob,
_ay hindi na muling mananalig sa kanya na bumagabag sa kanila,
_subalit mananalig sa Panginoon,
_ang Banal ng Israel, sa katotohanan.

Magbabalik ang labi,
_oo, maging ang labi ni Jacob,
_sa makapangyarihang Diyos.

Sapagkat bagaman ang iyong mga tao sa Israel ay kasindami ng buhangin sa dagat,
_gayon pa man magbabalik ang labi nila;
_ang itinakdang pagkalipol ay aapaw sa katwiran.

Sapagkat ang paglilipol ay itinakda na ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo,
_maging sa buong lupain.

From section: Ang Mga Labi ng Israel ay Magbabalik

From page: Ang Pagsipi ni Nephi sa Isaias

Commentary