2 Nephi 20:24–27

Samakatwid, ganito ang wika ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo:
_O, aking mga tao na naninirahan sa Sion,
_huwag kayong matakot sa mga taga-Asiria;
_hahampasin ka niya ng isang pamalo,
_at magtataas siya ng tungkod laban sa iyo,
_tulad ng nakaugalian sa Egipto.

Sapagkat sumandali na lamang,
_at magwawakas na ang kapootan,
_at aking galit sa kanilang pagkawasak.

At pupukawin siya ng Panginoon ng mga Hukbo ng isang pagpapahirap
_alinsunod sa pagkakatay sa Media
_sa malaking bato ng Horeb;
_at itataas
_ang kanyang tungkod sa dagat
_gaya nang nakaugalian sa Egipto.

At ito ay mangyayari na sa araw na yaon
_ay maaalis ang pasaning
_nakaatang sa kanyang balikat,
_at ang kanyang singkaw mula sa kanyang leeg,
_at mawawasak ang singkaw dahil sa pagpapahid ng langis.

From section: Ang Pagkawasak ng Mga Hukbo ng Assyria

From page: Ang Pagsipi ni Nephi sa Isaias

Commentary