Dumating siya sa Aiat,
_nagdaan siya sa Migron;
_sa Mikmas ay iniwan ang kanyang mga dala-dalahan.
Nakaraan na sila sa tawiran;
_nagpahinga sila sa Gebas;
_natakot ang Ramat;
_tumakas ang Gibeas ni Saul.
Humiyaw nang malakas,
_O anak na babae ni Galim;
_iparinig ito sa Lais,
_O kaawa-awang Anatot.
Wala nang tao sa Madmena;
_nagtipun-tipon ang mga naninirahan sa Gabim upang tumakas.
Ngayong araw na ito ay nakatigil pa siya sa Nob;
_iwawasiwas niya ang kanyang kamay
_laban sa bundok ng anak na babae ng Sion,
_sa burol ng Jerusalem.