2 Nephi 20:15–19

Magmamapuri ba ang palakol
_laban sa kanya na gumagamit niyon?

Makapagmamalaki ba ang lagari
_laban sa kanya na humahawak niyon?

Na para bang ang pamalo ay makapangyarihan
_sa kanila na nagtataas niyon,
_o para bang ang tungkod ay tataas
_na tila hindi ito kahoy!

Samakatwid ang Panginoon, ang Panginoon ng mga Hukbo,
_ay magpapadala sa kanyang matataba, ng kapayatan;
_at sa ilalim ng kanyang kaluwalhatian ay kanyang paliliyabin ang ningas
_tulad ng pagniningas ng apoy.

At ang liwanag ng Israel ay magiging pinaka-apoy,
_at ang kanyang Banal ay pinaka-ningas,
_at mag-aalab at tutupukin ang kanyang mga tinikan
_at dawagan sa isang araw;

At tutupukin ang kagandahan ng kanyang gubat,
_at ang kanyang masaganang taniman,
_kapwa kaluluwa at katawan;
_at sila ay magiging tulad ng nagdadala ng watawat kapag nanlulupaypay.

At ang mga nalalabing punungkahoy sa kanyang gubat ay kakaunti,
_anupa’t mabibilang sila ng isang bata.

From section: Ang Assyria Ay Instrumento ng Diyos

From page: Ang Pagsipi ni Nephi sa Isaias

Commentary