O mga taga-Asiria,
na pamalo ng aking galit,
at ang tungkod sa kanilang mga kamay ay kanilang pagkapoot.
Ipadadala ko siya laban sa isang mapagkunwaring bansa,
at isusugo ko siya sa mga taong aking kinapopootan
upang manamsam,
at upang kunin ang pain,
at upang yapakan sila na tulad ng luwad sa mga lansangan.
Subalit hindi gayon ang kanyang ibig sabihin,
ni hindi gayon ang saloobin ng kanyang puso;
kundi nasa puso niya ang mangwasak at paghiwalayin ang hindi kakaunting mga bansa.
Sapagkat winika niya:
Hindi ba’t mga hari ang lahat ng aking prinsipe?
Hindi ba’t ang Calno ay katulad ng Carchemis?
Hindi ba’t ang Hamath ay katulad ng Arpad?
Hindi ba’t ang Samaria ay katulad ng Damasco?Tulad ng pagtatag ng aking kamay sa mga kaharian ng mga diyus-diyusan,
at ng yaong mga nililok na larawan ay nahigitan
sila ng mga taga-Jerusalem at taga-Samaria;Hindi ko ba gagawin ang tulad ng aking ginawa sa Samaria at sa kanyang mga diyus-diyusan,
ang gayon din sa Jerusalem at sa kanyang mga diyus-diyusan?
Dahil dito, ito ay mangyayari na matapos maisagawa ng Panginoon ang kanyang buong gawain sa Bundok ng Sion at sa Jerusalem, parurusahan ko ang bunga ng mapusok na puso ng hari ng Asiria, at ang kapangyarihan ng kanyang mapagmataas na tingin.
Sapagkat winika niya:
Sa pamamagitan ng lakas ng aking kamay at sa pamamagitan ng aking karunungan
ay nagawa ko ang mga bagay na ito;
sapagkat ako ay marunong;At aking iniurong ang mga hangganan ng mga tao,
at sinamsam ko ang kanilang mga kayamanan,
at inilugmok ko ang mga naninirahan tulad ng isang magiting na lalaki;At natagpuan ng aking kamay ang mga kayamanan ng mga tao na tulad sa isang pugad.
At tulad ng pagtitipon ng mga itlog
na natira ay tinipon ko ang buong mundo;At walang sino man ang gumalaw ng pakpak,
o nagbuka ng bibig, o sumiyap.
Magmamapuri ba ang palakol
laban sa kanya na gumagamit niyon?
Makapagmamalaki ba ang lagari
laban sa kanya na humahawak niyon?
Na para bang ang pamalo ay makapangyarihan
sa kanila na nagtataas niyon,
o para bang ang tungkod ay tataas
na tila hindi ito kahoy!
Samakatwid ang Panginoon, ang Panginoon ng mga Hukbo,
ay magpapadala sa kanyang matataba, ng kapayatan;
at sa ilalim ng kanyang kaluwalhatian ay kanyang paliliyabin ang ningas
tulad ng pagniningas ng apoy.
At ang liwanag ng Israel ay magiging pinaka-apoy,
at ang kanyang Banal ay pinaka-ningas,
at mag-aalab at tutupukin ang kanyang mga tinikan
at dawagan sa isang araw;
At tutupukin ang kagandahan ng kanyang gubat,
at ang kanyang masaganang taniman,
kapwa kaluluwa at katawan;
at sila ay magiging tulad ng nagdadala ng watawat kapag nanlulupaypay.
At ang mga nalalabing punungkahoy sa kanyang gubat ay kakaunti,
anupa’t mabibilang sila ng isang bata.