2 Nephi 20:5–11

O mga taga-Asiria,
_na pamalo ng aking galit,
_at ang tungkod sa kanilang mga kamay ay kanilang pagkapoot.

Ipadadala ko siya laban sa isang mapagkunwaring bansa,
_at isusugo ko siya sa mga taong aking kinapopootan
_upang manamsam,
_at upang kunin ang pain,
_at upang yapakan sila na tulad ng luwad sa mga lansangan.

Subalit hindi gayon ang kanyang ibig sabihin,
_ni hindi gayon ang saloobin ng kanyang puso;

kundi nasa puso niya ang mangwasak at paghiwalayin ang hindi kakaunting mga bansa.

Sapagkat winika niya:

Hindi ba’t mga hari ang lahat ng aking prinsipe?
_Hindi ba’t ang Calno ay katulad ng Carchemis?
_Hindi ba’t ang Hamath ay katulad ng Arpad?
_Hindi ba’t ang Samaria ay katulad ng Damasco?

Tulad ng pagtatag ng aking kamay sa mga kaharian ng mga diyus-diyusan,
_at ng yaong mga nililok na larawan ay nahigitan
_sila ng mga taga-Jerusalem at taga-Samaria;

Hindi ko ba gagawin ang tulad ng aking ginawa sa Samaria at sa kanyang mga diyus-diyusan,
_ang gayon din sa Jerusalem at sa kanyang mga diyus-diyusan?

From section: Ang Assyria Ay Instrumento ng Diyos

From page: Ang Pagsipi ni Nephi sa Isaias

Commentary