Dahil dito, ito ay mangyayari na matapos maisagawa ng Panginoon ang kanyang buong gawain sa Bundok ng Sion at sa Jerusalem, parurusahan ko ang bunga ng mapusok na puso ng hari ng Asiria, at ang kapangyarihan ng kanyang mapagmataas na tingin.
Sapagkat winika niya:
Sa pamamagitan ng lakas ng aking kamay at sa pamamagitan ng aking karunungan
_ay nagawa ko ang mga bagay na ito;
_sapagkat ako ay marunong;At aking iniurong ang mga hangganan ng mga tao,
_at sinamsam ko ang kanilang mga kayamanan,
_at inilugmok ko ang mga naninirahan tulad ng isang magiting na lalaki;At natagpuan ng aking kamay ang mga kayamanan ng mga tao na tulad sa isang pugad.
At tulad ng pagtitipon ng mga itlog
_na natira ay tinipon ko ang buong mundo;At walang sino man ang gumalaw ng pakpak,
_o nagbuka ng bibig, o sumiyap.