Masdan, ang mga Lamanita na inyong mga kapatid, na inyong kinapopootan dahil sa kanilang karumihan at sa sumpang sumapit sa kanilang mga balat, ay higit na mabubuti kaysa sa inyo; sapagkat hindi nila nalilimutan ang kautusan ng Panginoon, na ibinigay sa ating ama—na sila ay nararapat magkaroon maliban sa isang asawa lamang, at hindi nararapat na magkaroon ng mga kalunya, at hindi gagawa ng pagpapatutot sa kanila.
At ngayon, kanilang sinusunod ang kautusang ito, anupa’t sa pagtupad na ito, sa pagsunod sa kautusang ito, sila ay hindi lilipulin ng Panginoong Diyos, kundi magiging maawain sa kanila; at darating ang araw na sila ay magiging mga pinagpalang tao.
Masdan, mahal ng kalalakihan ang kanilang mga asawa, at mahal ng kababaihan ang kanilang mga asawa; at mahal ng mga ama at ina ang kanilang mga anak; at ang kanilang kawalang-paniniwala at kapootan sa inyo ay dahil sa kasamaan ng kanilang mga ama; kung gayon, gaano kayo kabuti kaysa sa kanila, sa paningin ng inyong dakilang Lumikha? [i]2332[/i]