At ngayon ako, si Jacob, ay nangusap ng marami pang bagay sa mga tao ni Nephi, binalaan sila laban sa pangangalunya at kahalayan, at lahat ng uri ng kasalanan, sinasabi sa kanila ang kakila-kilabot na ibubunga ng mga yaon. At ang ika-isandaang bahagi ng pangyayari sa mga taong ito, na ngayon ay nagsisimula nang dumami, ay hindi maisusulat sa mga laminang ito; [i]2333[/i] subalit marami sa mga nangyari sa kanila ang nasusulat sa malalaking lamina, at ang kanilang mga digmaan, at ang kanilang mga alitan, at ang paghahari ng kanilang mga hari.
Ang mga laminang ito ay tinatawag na mga lamina ni Jacob, at ito ay ginawa ng mga kamay ni Nephi. At nagtatapos ako sa pangungusap ng mga salitang ito.