At ngayon, masdan, sinasabi ko sa inyo, na nararapat ninyong saliksikin ang mga bagay na ito. Oo, isang kautusan ang ibinibigay ko sa inyo na masigasig ninyong saliksikin ang mga bagay na ito; sapagkat dakila ang mga salita ni Isaias. Sapagkat tunay na siya ay nangusap na tumatalakay sa lahat ng bagay hinggil sa aking mga tao na sambahayan ni Israel; anupa’t talagang kinakailangan na siya ay mangusap din sa mga Gentil. At lahat ng bagay na kanyang sinabi ay nangyari na at mangyayari, maging alinsunod sa mga salitang kanyang winika.
Kaya nga, makinig sa aking mga salita; isulat ang mga bagay na sinabi ko sa inyo; at alinsunod sa panahon at kalooban ng Ama, yaon ay ipahahayag sa mga Gentil.
At sinuman ang makikinig sa aking mga salita at magsisisi at mabibinyagan, siya rin ang maliligtas. Saliksikin ang mga propeta, sapagkat marami roon ang nagpapatotoo sa mga bagay na ito.