3 Nephi 23:1–3

At ngayon, masdan, sinasabi ko sa inyo, na nararapat ninyong saliksikin ang mga bagay na ito. Oo, isang kautusan ang ibinibigay ko sa inyo na masigasig ninyong saliksikin ang mga bagay na ito; sapagkat dakila ang mga salita ni Isaias. Sapagkat tunay na siya ay nangusap na tumatalakay sa lahat ng bagay hinggil sa aking mga tao na sambahayan ni Israel; anupa’t talagang kinakailangan na siya ay mangusap din sa mga Gentil. At lahat ng bagay na kanyang sinabi ay nangyari na at mangyayari, maging alinsunod sa mga salitang kanyang winika.

From section: Saliksikin ang mga Banal na Kasulatan

From page: Inihayag ni Hesus ang Mga Propeta

Commentary