At ito ay nangyari na, na nagtungo siya sa akin, at sa ganito siya nagsalita sa akin, sinasabing: [i]1355[/i]
Kapatid na Jacob, naghanap ako ng maraming pagkakataon na makausap ka; sapagkat narinig ko at nalalaman ko ring parati kang abala, nangangaral ng yaong tinatawag mong ebanghelyo, o ang doktrina ni Cristo.
At natangay mo palayo ang marami sa mga taong ito kung kaya’t kanilang inililigaw ang tamang landas ng Diyos, at hindi sinusunod ang mga batas ni Moises na siyang tamang landas; at pinalitan ang mga batas ni Moises ng pagsamba sa isang nilikha na iyong sinasabing paparito ilang daang taon mula ngayon.
At ngayon masdan, ako, si Serem, ay ipinahahayag sa iyo na ito ay isang kalapastanganan; sapagkat walang taong nakaaalam ng gayong mga bagay; sapagkat hindi siya maaaring makapagsabi ng mga bagay na darating.
At sa ganitong paraan nakipagtalo si Serem sa akin.